Tuesday, February 27, 2007

Mishu, mishu

Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko talaga namimiss ang mga kaibigan ko. Kanina, nung kausap ko si Marlon at Louie at nababasa ko yung mga asaran, parang ang sarap hilahin ng oras at ibalik ang highschool. Kahit ang dami naming "away" noon, masarap pa rin kausap at kasama ang mga lalakeng 'to.

Madami nang nagbago - nagkaka-girlfriends na ang mga loko, may mga bagong kaibigan, at bagong priorities - at yun ang nakakatuwang makita. Ang sarap makita kung gaano kami lahat nagbago since highschool.

Ang sarap umuwi.

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!