Saturday, February 17, 2007

Isang Tula Para sa Lahat

Hindi pa naman siguro huli para maglagay ako dito ng isang tula na para sana sa Valentine's Day. Hehe.
Napanood ko 'to sa Kape't Pandasal ng Magandang Umaga Pilipinas. Kung hindi niyo 'to alam, try nyong i-search sa Youtube. Inaabangan ko 'to dati kasi ang ganda simulan ng araw kapag may baong mabubuting aral.

Gawa daw ito ni Atty. Rico Abelardo.

Mangyari Lamang

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal,
nang makita ng lahat ang kagandahan ng mukha ng pag-ibig.
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paningin.

Mangyari po lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi,
nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani.
Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan ng mga nagtaya.

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!