Thursday, February 8, 2007

Mga naiisip ko ngayon

  • Ang sarap sa pakiramdam na wala akong gagawing importante sa mga susunod na araw. Hay. Handang-handa na ko sa Reading Week! Hahaha! Susubukan ko pa ring magbasa pero hindi ko ipapangako sa sarili ko na magagawa ko nga yon. Basta. Bahala na.

  • I agree with Leo Martinez.

    "Kung 'yung inaasahan lang nila ay ‘yung kasikatan lang, ang masasabi ko lang ay sana naman ay tamaan sila ng hiya o datnan sila ng hiya na. I mean wala kaming kamuwang-muwang sa paggawa ng mga batas hindi namin pinag-aralan 'yan (If these actors are expecting their fame to win them senatorial seats, they should be ashamed. We don’t know anything about making laws. We did not study that)," Martinez said.

At sobrang nag-cheer pa ako nung diretso niyang sinagot ng "None" ang tanong kung anong political qualities ang nakikita niya kay Richard Gomez. Pero sa pagkakakilala natin kay Goma, alam natin na dededmahin lang niya ang ganitong reaksyon. Buo kasi ang paniniwala niya na magaling siya. Haha.
  • Hindi ko alam kung tama bang may Anti-Terror Bill. Kailangan magaling ang pagkakasulat nila ng batas para hindi maabuso. But knowing the those people, asa pa ko diba? Asa pa tayo.

  • Simula nung mabuhay ako at magkaisip, wala na ata akong nakitang senador na mas totoo kesa kay Mr. Juan Flavier. Siya lang nirerespeto ko sa kanilang lahat. Magaling sana si Escudero pero nakikita ko na magiging tulad din siya ng iba. Magaling magsalita, matapang, pero bulok pa rin. Mas loyal sa partido kesa sa mga tao.

  • Nahuli daw sa Japan ang isang pre-historic shark. Natuwa ang mga scientists natural. Bihira lang kasi makakita ng ganitong uri ng pating. Pero naisipan ng mga nakakita na hulihin at ikulong ang nasabing pre-historic shark. Ang nangyari, ilang araw lang, namatay na ang kawawang pating dahil sa nanibago daw sa environment at water pressure. Tsk, tsk. Salamat sa mga scientists. Ang gagaling niyo.

  • Nagulat naman ako sa balitang namatay na si Anna Nicole Smith. Ayoko sa kanya dahil kauri niya sila Paris Hilton na kilala dahil nagpapapansin pero naawa pa rin ako sa kanya. Kasi parang kelan lang, kung anu-ano pa ang ginagawa niya at sinasabi tapos biglang namatay na siya. Isang pitik lang biglang wala na siya.

  • Mabalik sa pulitika, kahit kailan hindi patok sa akin ang uso sa mga pulitiko na family reunion tuwing may session sa senado at kongreso. Kahit gaano pa sila kagaling, mali pa rin sa paningin ko na 2 o 3 sa pamilya e nasa pwesto. Mas maganda-ganda sana kung distant relatives lang sila pero hinde. Ang kapal diba?

  • Ang dami kong reklamo sa pulitika. Kaya ayokong manonod ng Bandila e. Umiinit ulo ko.

  • Nood na lang ako ng Probe. Tungkol sa prostitusyon ang episode. Ang galing ni Ms. Cheche Lazaro. Hay idol! Hehe.
  • Bago nga pala ang heading nito ngayon. Nakikisabay sa Valentine's day. Hehe.

1 comment:

  1. Lagi namang mainit ulo mo Prinsesa eh. Kaya nga friends tayo, wahahaha!

    ReplyDelete

Tell me what you think!