Here's an article about the store from clickthecity.com.
Sunday, January 28, 2007
Another reason to go home
Here's an article about the store from clickthecity.com.
Saturday, January 27, 2007
Bad feng shui?
I really want to drop the class NOW.
Aside from that fact that this class has a lot of requirements (tests, group report, different kinds of written assigments, and surprise quizzes), I really don't feel "comfortable" in this class. Lost talaga ako sa mga pinagsasabi ng instructor kong kahawig pa naman ni Rachel McAdams. "Lost" hindi dahil hindi siya magaling magturo, nawiwindang lang talaga ako at ikinukumpara ko ang teaching style niya dun sa nag-sub sa kanya na dati ko ring prof.
I hate to think that I'm giving up this easily on an elective but this is really stressful. 15% ng final grade ang paper na 'to which means, if I don't hand this in, the highest grade that I can get is 85% which of course, impossible to get given the circumstances. So, I'm guessing getting an A or a B+ will depend largely on luck. Bad trip. Di bale sana kung ito ang priority ko. Syempre, I'll devote all my time and effort if this is class is so important para lang makabawi. But no, so I guess...
I have the whole night to think about this.
Friday, January 26, 2007
Isang malaki at malakas na sampal
Worried about racial discrimination when travelling overseas? Try to evaluate your current standing in your own country. Just by virtue of your regional accent, skin tone, alma mater, and even height, you are discriminated against in your own country. In the presence of foreigners, we Filipinos are often reduced to sheepishly-smiling and highly-accommodating buffoons. No wonder we are touted as a friendly and hospitable people. With the proper attitude and flair, most foreigners can make their way into any Philippine society clique, gain access through any security measure, and secure limelight space in Philippine showbiz – generally schmooze their way into the hearts of the political and social elite of the country. For us, mere association with one of them is a validation of our place in our own society. Imelda Marcos was the most famous embodiment of this trait.With the amount of preferential treatment that is given to foreigners in this country, we are lucky that we haven’t yet found ourselves hosts to a new generation of foreign carpetbaggers and opportunists. Yet foreigners get better service at restaurants and banks and are given serious consideration when they raise a stink about anything. Among ourselves, however, complaining about bad service, raising relevant issues, or even standing up for certain principles in a serious manner goes against every principle of our ‘pakikisama’ mentality and general apathetic disposition.
Wednesday, January 24, 2007
One of my "Priestly Moments"
I hate people who interpret things in unbelieveable ways just to satisfy their ego.
I detest people who can't be true to themselves just to please everybody.
I hate it when people think they are important to you when they are not.
Haha. I just want to spread bitchiness once in a while. Haha.
Saturday, January 20, 2007
Gising Pinoy
Napagusapan namin kanina nila Sybil at Arianne yung pinalabas na documentary sa CBC titled Selling Sex in Heaven. Narrated by Keifer Sutherland, the documentary tells about the story of Mila, a prostitute in the Philippines. Now, I can't really tell you much about it because, sadly, I did not have the chance to watch. Ang maibibigay ko lang ay ang opinyon ko sa isyu.
Sa totoo lang, paulit-ulit na yang pagtalakay na yan tungkol sa prostitusyon sa iba't ibang palabas sa telebisyon PERO hanggang ngayon wala pa ring solusyon dahil hanggang ngayon hindi pa rin tayo nagigising. Hindi pa natin nakikita ang mga dapat nating makita.
Tayo? Bakit tayo? Sasabihin sa akin ng iba, wala sa atin ang ikakabago ng Pilipinas - nasa sistema, nasa gobyerno, nasa mga taong nagpapalakad ng gobyerno. Hindi daw natin responsibilidad ang kumilos at tumulong dahil ang gobyerno ang dapat gumagawa noon. Ang gagawin lang natin ay kalampagin lang sila para gawin ang mga hinihingi natin sa kanila. Mag-rally, magreklamo, magpapirma ng mga petisyon at kung anu-ano pang mga pampagising para malaman daw ng gobyerno na nagbabantay ang mamamayan sa mga ginagawa nila.
Pero mabuti ba talaga yun? Mabuti ba ang magreklamo habang ikaw mismo sa sarili mo, hindi mo ginagawa ang mga dapat mong gawin?
Madalas kong naririnig na nagrereklamo ang mga Pilipino dito sa Canada na kesyo masyado daw ang traffic sa Pilipinas. Kahit sa Pilipinas, madalas na sinasabi yan ng lahat ng tao. Inirereklamo nila ang mga kapwa nila motorista, ang mga pulis, ang mga kalsada at kung anu-ano pa PERO malalaman mo naman kapag tumagal na ang kwentuhan na sila mismo, HINDI SUMUSUNOD SA MGA BATAS TRAPIKO. Nakakainis isipin na mayroong mga taong malakas magreklamo pero sila mismo ay hindi gumagawa ng kanilang mga responsibilidad. Batas trapiko pa lang yan.
Matagal na ang isyu ng prostitusyon pero wala pa ring lunas na naibibigay sa problemang ito. At kahit pagbalibaligtarin at halungkatin pa ang mga dahilan kung bakit nagiging prostitute ang ilan sa ating mga kababayan, mauuwi pa rin ang lahat sa kakulangan kung hindi man kawalan ng edukasyon. Oo, totoo, ang gobyerno ang dapat magbigay ng edukasyon sa mamamayan pero tayo, ano ang papel natin sa problemang ito? Dahil ba hindi tayo apektado sa problemang ito, magsasawalang kibo na tayo? Mali yata na wala tayong gawin. Mali na manood lang tayo habang naghihirap ang mga kababayan natin.
Hindi ko sinasabi na mag ala-Wowowee tayo sa pamimigay ng pera sa mga kababayan natin dahil HINDI ito ang sagot sa paghihirap nila. Hindi madaliang pera o madaliang pagkita ng pera ang solusyon sa problema. Edukasyon ang dapat ibigay.
Kung ang mga may kayang pamilya ay makapagpaaral man lang ng kahit isang bata, malaki ang maitutulong nito. Isang tao ang magkakaroon ng pagkakataon na mamili kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya at marami siyang pagpipilian dahil nakatapos siya. Alam nating lahat kung gaano ka-importante ang diploma sa Pilipinas o sa kahit saang parte ng mundo. Ang pagtatapos ng pag-aaral ay nakakapagbukas ng pinto sa lahat ng tao para malaman niya kung ano ang pwedeng gawin niya sa kanyang buhay. This way, they will have more choices, more options. They will not be imprisoned with the limited choices they have if they haven't studied at all.
Walang babae o lalakeng gustong ibenta ang katawan nila para mabuhay. Ang pagiging prostitute ang kinauuwian ng ilan nating kababayan hindi dahil ginusto nila ito kundi dahil wala na silang nakikitang ibang paraan upang kumita ng pera. Kailangan nila ng pagkakataon at kakayahang mamili kung ano ang gusto nila sa buhay nila at magiging madali ito kung sila ay may sapat na edukasyon.
I believe that everything should start in the individual. Kung kaya nating magbigay ng pagbabago, bakit hindi natin gawin? KUNG MAY KAKAYAHAN KANG GUMAWA NG MABUTI SA KAPWA MO, BAKIT HINDI MO GAWIN?
Nakakapanghinayang na hindi nakikita ang galing ng Pilipino at ganda ng Pilipinas dahil sa mga problemang ganito. Madalas ay napapansin ang mga pagkukulang natin kaysa sa mga kaya nating gawin.
Gusto ko din sabihin na hindi natin dapat ikahiya ang problemang ito ng Pilipinas. Isa itong hamon upang ipakita natin na kaya nating solusyunan ang problemang ito ng bansa.
HAMON ITO SA IYO KUNG ANO ANG GAGAWIN MO PARA MAKATULONG
o
KUNG UUPO KA NA LANG DYAN AT MANONOOD.
Ikaw na marunong magbasa at gumamit ng internet, ikaw na nakakapag-aral, pinapahalagahan mo ba ang edukasyon mo?
Hindi masamang minsan ay tamarin o kaya ay magpa-easy-easy. Tao ka lang din naman. Pero tanungin mo ang sarili mo sa huli kung nagawa mo ba ang dapat mong gawin.
May natutunan ka ba?
Monday, January 15, 2007
Gusto ko lang mag-post (seryosong entry 'to!)
Kung ano yun, iisipin ko pa. Matagal na pag-iisip ito.
The picture here has no connection to what I've said. I just want to share the view I saw today. Haha!
Friday, January 12, 2007
-40 and below
Blame it on the weather.
Tuesday, January 9, 2007
Ang mga magagaling
Nakakainis lang merong mga taong nagsasamantala sa okasyon.
Oops, mali. Hindi mga mandurukot ang mga tinutukoy ko.
Mas matindi pa sa kanila!
Sirit na?
Sila yung mga mahilig magpapansin at umeksena.
Sila yung mga pulitikong lahat ng pagkakataon ay susulitin para makapag-kampanya.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang umepal sa isang dapat sana ay sagradong tradisyon. Mamigay daw ba ng mga t-shirt at kung anu-ano pang gamit na may mga naglalakihan nilang pangalan at mukha. Nakakainit ng ulo. Gawin daw bang campaign day ang Piyesta ng Nazareno. Ang gagaling talaga.
Wag sana kayo manalo.
***
Pupurihin ko na rin dito si Ms. Pinky Webb na talaga namang nakipagsiksikan para mai-dokumento ang Piyesta ng Nazareno. Ang tapang nya. Kahit sabihin pa na syempre pagbibigyan sya ng mga tao kasi taga-media sya, saludo pa rin ako sa kanya.
Kung ako lang, baka di ko kayanin yun at himatayin na lang ako sa isang sulok at matapak-tapakan. Hahaha!
Sunday, January 7, 2007
On fake religiosity and 'utang na loob'
***
About this entry:
This person does not know how lives will be affected because of what he did. Buti na lang nakahanap agad ng solusyon. Kung hindi, I wouldn't let him have a good night sleep. And I'm not joking. Haha.
If you are asking if I will hold a grudge on him, no. I don't plan to have wrinkles at an early age because of this person.
Saturday, January 6, 2007
Winter term kwento
After attending Bio 1010, I have this feeling that I can't do what I did with Bio 1000 (e.g. skipping, leaving early) in this class. Bleh. Kailangang mag-take down ng notes. Hay.
Interesting din ang Women's Studies ko because I got lost. Haha! I was sitting there waiting for the instructor. One by one students arrived tapos naisip ko, 'wow, ang daming lalaki ngayon a'. I was also wondering why my classmates look old. Tapos ayun, dumating ang prof. Lalake! Naisip ko 'Lalake ang instructor? Jill yung pangalan a'. And then he wrote information about the class on the board. Iba ang pangalan, iba ang class number. Nasa higher Linguistics class ako! S**t. I went out casually. Kunwari hindi ako nagpa-panic. Nagpunta ako sa Dafoe para mag-log in sa Aurora. Apparently, I went to the wrong room. 215 pala not 308! When I went to 215, walang tao. So I was like, 'Am I lost again?'. Thankfully, other people who are late like me arrived at nagkaroon ako ng mga karamay. Umalis na lang kami pagkatapos maghintay ng ilang minuto.
In Fine Arts, I have the same classmates. Karamihan mga art majors ang natira dahil required. Konti na lang kaming mga feelingero at feelingera. Haha! I am starting to like FA again after I got my final grade for 1350. Interesting naman talaga yung class at ang dami kong natutunan yun nga lang, ang daming 'holidays'. We suffered in the end because we had to rush, I think, 4 chapters just to finish the course. Lagapak tuloy yung class average nung 2nd exam. I think it would be more difficult now because we have to memorize artists' names and their works - most of it in Italian and French. Good luck sa spelling at pronounciation. Haha!
Because my classes are almost identical with the previous term, there are no big changes. Heck, even my schedule is the same. So there should be no problem at all. I hope!
Nga pala, UM-Sigaw will officially function this term! Ang saya! Recruitment next week!
Dahil hindi ako mapakali
Eto na talaga. Hindi na ko magpapalit. Promise!
My first blog got too crowded, my second one too boring kaya eto, I made my third! Papanindigan ko na talaga 'tong kwentuhan na 'to.