Monday, February 19, 2007

Tapos na ang Isang Linggong Ligaya

Tapos na ang Reading Week. Mamaya, balik school na uli.

Nakakainis dahil hindi pa ako inaantok. Kailangan kong matulog pero hindi ako makatulog. Umaandar pa sa utak ko ang iba't ibang pangalan ng mga artists at mga artworks. Yes. Nag-aral ako nitong mga huling araw dahil may exam pala ako sa Tuesday at nalaman ko lang nung Thursday.

Grabe. Ang hirap mag-memorize ng European names.

Hindi ko nga alam kung tuloy ang midterm. Ewan. Basta nag-aral ako matuloy man o hindi. May exam pa ako sa Biology at kailangan ko yun pagtuunan ng pansin kung hindi, wala akong maisasagot.

Hmmm...hindi ko pa nababasa ang reading para sa English. Bad trip. Dun talaga ako tagilid. May natututunan naman ako pero parang wala akong nagagawa. Winter term na pero wala pang 50% ng final grade namin ang napapagtrabahuhan namin. Lahat ng pagod namin, para sa wala. Ewan.

Isang hirit pa...

Mali na naman ang forecast. Hindi pa positive ang temperatura bukas. Negative pa rin at uulan pa ng nyebe. Ayos!

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!