Wednesday, May 30, 2007

Major Issues

Nung nag-apply ako sa UP dati, walang pagaalinlangan na BC talaga ang gusto ko. Hanggang ngayon, interested pa rin ako sa broadcasting at sa media pero kailangan ko talagang pumili ng bagong course pagdating ko dito. Psychology ang napili ko kasi kahit dati pa naman I find it interesting na. But after two terms and 6 credits of Art History, I found myself getting immersed in Art more than ever. Travelling is part of an Art Historian's job and that attracted me more with the course.

Gusto ko kumuha ng Psyc dahil bukod sa interesting naman, sobrang practical pa PERO gusto ko rin talaga kumuha ng Art History. Pero syempre naisip ko din na baka mahirapan ako kumuha ng trabaho with Art History. So naisip ko, gusto ko sana i-double major tutal ang dami rin namang electives na kailangan ng Psyc I might as well use it to earn another degree. Kunin ko na lang parehas para wala akong pagsisihan. Ang problema, kung ang Pysc e may Double Honours degree, ang School of Art e wala.

PROBLEMA!

Nagpunta ako kanina ng university para magtanong kung pwede ko ba kunin ng sabay yung dalawang degree kahit na walang Double Honours Program ang Art History. Sa isip ko naman kasi, baka naman pwede nila i-consider kahit na mahuli ako ng grad sa AH - basta lang makuha ko ng sabay para mas tipid sa oras. Tsaka wala naman silang magiging problema dahil ako lang naman ang maghihirap diba? Ang kailangan ko lang ay permiso nila.

Nagpunta ako ng U1 office, walang matinong sagot. Pinapunta ako sa Psyc at dun ko daw tanungin dahil di sya sigurado. Pagdating ko sa Psyc dept, ang sabi okay daw sa department kahit anong kunin para sa Double Major pero hindi sya sigurado kung pwede sa School of Art dahil nga walang DH program. Baka daw hindi pwede. Sa School of Art ko daw itanong.

Bad trip.

Hindi pa 'to dito natatapos. Kailangan ko pang makausap ang School of Art.

2 comments:

  1. naku joann walang kwenta yung bagong advisor sa psych, sa totoo lang.

    ReplyDelete
  2. hay oo nga. sana man lang nagoffer sya na tawagan ang School of Art or something. Hindi pa sigurado mga sagot.

    ReplyDelete

Tell me what you think!