Wednesday, May 16, 2007

Mga Bagay-bagay

Halalan 2007

  • Nung huli kong tingin sa quickcount, nasa top 10 si Honasan. Yun. Hindi ko kuha yun.
  • Talo na daw si Pacquiao. YEHEY! Hindi ito dahil gusto ko yung kalaban nyang mukhang bata. Maganda lang na malaman ni Pacquiao na dapat e sa boxing na lang sya.
  • Ayokong maging number one senator si Escudero. Ang daming natatalinuhan sa kanya at sa tingin ko naman may utak nga sya. Pero wala talaga akong tiwala sa kanya. Nakikita ko kasi ang matinding ambisyon sa kanya at YUN ang NAKAKATAKOT.

Today

  • Naglinis ako buong araw. Inayos ko ang aking bags.
  • Malapit na mag-$50 ang mga rolls ko. Wahaha!

Tonight

  • I swear I'm going to sleep early!
Tomorrow

  • Get up early!
  • Gagawa na talaga ako ng mga cover letters.
  • Mag-aapply na talaga ako sa trabaho ng matino.

Right now

I'm thinking about my future.

Kanina binabasa ko ang description at requirements ng Bachelor of Fine Arts in Art History. Sobrang interesting. May field trips pa to different galleries outside Canada. Paglabas ko ng kwarto, may mail para sa akin na galing UM.

Sabi pwede daw akong mag-apply para sa isang degree sa FA dahil nga nakuha ko yung requirements.

Decisions, decisions...

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!