Wednesday, January 6, 2010

Dalawang taon at mas marami pang kwentuhan

Dalawang taon at daan-daang blog entries.





Happy Anniversary, Kwentong Marathon


Trivia:
  • Ang "Kwentong Marathon" ay galing sa kantang Hinahanap-hanap Kita (Adik Sa'yo) ng Rivermaya. Specifically, sa line na 'to: "Adik sa'yo, awit sa akin. Tila sawa na sa aking mga kwentong marathon." Isa kasi ang kantang 'to sa mga all-time favorite songs ko tapos parang bagay naman kasi sa blog na 'to kasi puro kwento naman talaga.
  • Yun nga lang, medyo sinungaling yung blog title kasi hindi naman sya "marathon" talaga. Tumigil ako mag-post noong, October 2007 at bumalik lang noong April 2008. Sobrang busy kasi sa school at sa kung ano-ano pang mga bagay. Tapos minsan isang beses lang ako nakakapag-post sa isang buwan.
  • Ang mga posts sa Crazy Moments, hindi isang lalake lang ang tinutukoy. LOL At kung iniisip nyo na may post ako jan tungkol don sa lalakeng yon under Crazy Moments, sorry to disappoint you pero WALA. Hahahaha! 
  • Ang kulay ng Kwentong Marathon dati ay yellow, white, at black. Hindi na ngayon.
  • Pang-limang blog ko yata ang Kwentong Marathon. Nagsimula akong mag-blog nung 13-14 years old ako. Hindi ko na maalala talaga. Una akong nasa Blogger tapos lumipat sa Blogdrive. Bumalik sa Blogger pero nagkaroon ng LiveJournal pero mas loyal pa rin sa Blogger. Hindi ko na maalala kung ano yung mga pangalan ng mga dati kong blog maliban sa Ako ay Bituin  na sinundan ng Kwentong Marathon. Deleted na kasi may malware. 
  • Cloe McOrr ang pangalan ko dito which is a play on my real name.

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!