Sunday, November 15, 2009

And Pacquiao won.


First time ko manood uli ng laban ni Pacquiao. Sabi ko nga sa kanila, wag na sila magtaka kung matalo dahil na-jinx ko. HAHAHA! Pero dahil sobrang galing ni Pacman, hindi sya naapektuhan ng pagkamalas ko at nanalo pa rin sya.

Ang gulo-gulo namin juskopo.

- Sigawan tuwing matutumba si Cotto
- Sigawan tuwing makakasuntok si Pacquiao
- Sigawan tuwing mangyayakap si Cotto
- Sigawan ng mga panlalait
- Sigawan nang ipakita ang batukling na anak ni Cotto at ang mukhang retokadang asawa
- Paggaya ni Keith kay Aling Dionesia

Joke namin kagabi, laging mas gwapo yung mga kalaban ni Pacquiao pero at the end of the fight mas gwapo na si Pacman. Motivation nya ata yon! LOL

Salamat sa lahat ng pumunta (Daph, Alvir, Mavic, Keith, Marylin, Raoul, Yves, Tonton, Tristan) at sa mga nagyayang hindi pumunta (ehem, Paul at Jack). Hanggang sa susunod uli na laban! YAY!

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!