Friday, August 15, 2008

Yes, I'm trying to free myself from stress

I love my Abnormal psyc prof. Grabe sobrang bait nya. Haha!

So... I only have Exam 3 left. Dapat nag-aaral na nga ako ngayon e kaso sobrang pagod ako dahil wala pa kong masyadong tulog dahil sa paper and then nagwork pa ko kanina.

Birthday ni Charrie kanina. Hindi pa kaya ng powers namin si Shortcake so iba na lang ang hinanda namin. Haha! Nagdala si Lem ng strawberry cheesecake. Strawberry shortcake sana dahil sa alaala ni Shortcake pero walang makita si Lem so cheesecake na lang. Nagdala akong balloons. Ayun, dahil dun, parang alam na ng buong UM na birthday ni Charrie kanina. Hahaha!

Hindi ko na nakakasabay si Lemon! Nakikita ko pa rin sya sa school pero hindi ko na sya nakakasabay pagpasok. Sadness. Sya na nga lang ang nagpapaganda ng downtown e, nawala pa! Natakot ako nung Wednesday kasi may matanda dun sa bus stop. Gamit ang aking peripheral vision, nakita ko na nakatitig lang sya sa akin. OMG. As in. Tapos ayun maya-maya lumapit na sya at kinausap ako. E exam day ko nun so nagbabasa ako and I was like really ignoring him, showing him that I don't want to talk pero nakatitig lang sya sa akin. Katakot!!! Shit lang. Hindi pa dun natatapos ang lahat kasi habang kinakausap nya ko, may nilabas sya sa bag nya na white na lalagyan tapos may mga dried leaves. I was like, "Teka marijuana ba yun?". Ayun lalo lang akong natakot. Umalis din sya nung nagsawa na siguro mageffort kausapin ako pero tingin pa rin sya ng tingin. The next day, andun uli sya. Buti na lang late dumating yung bus na supposedly earlier sa usually na sinasakyan ko. Kahit alam kong di ko makakasabay si Lemon, go na. Jusko mas mahal ko ang sarili ko. Buti kanina, wala yung matanda.

Ngayon, inaantok na ko. Mukhang di na ko makakaaral talaga. Bukas na lang, promise.

Hindi bagay na codename kay Lemon and Lemon. Yung itsurang yun...haha! Pero wala kong maisip na iba so okay na yun.

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!