Wednesday, July 23, 2008

Next week August na!

Shit lang ang bilis ng July.

Next week may summer class uli ako. Folklorama na naman. Tapos maghahanda na para sa Fall. Tapos, tapos...

Parang wala ata akong ginawa ngayong July. Wala masyadong work, wala masyadong activities. Ang highlight na ata e ang Dark Knight. Hahahaha! (Oh grabe! Sobrang cool ng movie na yun! Manonood ako uli! Haha!)

Dumaan lang ang 3 buwan ng bakasyon ng hindi ko namamalayan. Parang maraming ginagawa na parang hindi rin naman. Ewan. Basta. Ganun.

Gusto ko na ring pumasok para may rason para gumising ng maaga at lumabas araw-araw. Pag ganito kasing walang pasok, 3AM na ko natutulog, 11AM na ko nagigising at hindi ako productive. Ang sarap ng feeling ng nagigising ng maaga tipong nakikita yung pagsikat ng araw pero masarap din magpuyat, dumaldal, at may sleep-in. Hahaha! So dapat talaga may pasok na ko para maayos ko ang buhay ko.

Gusto ko na ng bagong planner pero I promised myself I won't buy until the end of July. Haha! Ewan. Napaka-symbolic sa akin ng bagong planner. Actually, iniintay ko yung day na bibili na ko kasi marami nang nakaplanong isulat at dun na magsisimula ang... ano pa nga ba? Ang mga plano. So ayun. Weird ba? Hahaha!

Went to school this afternoon. Kinuha nila Panget at Maesie yung ID cards nila. Estudyante na nga sila ng UofM. Nagbayad din ako ng tuition fee for summer. Umikot kami sa campus para makita nila yung mga classrooms nila. Pupunta dapat kami ng Mcdermot pero umaambon so hindi na lang. Dumaan na lang kami ng Superstore. Hahahaha!

So there. See? Wala masyadong happenings. Or so it seems. Haha! JK!

----
Dalawang tao, dalawang beses, dalawang magkasunod na araw.
----

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!