Tuesday, April 24, 2007

Looking Back

Naghalungkat ako ng "memory bag" ko kahapon. Nagiging habit ko na ata ang halungkatin ang bag na yun kapag nagkakaroon ako ng bakasyon. Laman ng bag na yun lahat ng personal na gamit ko na galing sa Pilipinas. Andun ang mga sulat na natanggap ko nung umalis ako, pictures na pinadala ni Dan, ilang objects na nabitbit ko, at higit sa lahat ang mga old journals ko.

Naghalungkat din ako ng pictures galing sa luma kong celphone. Nagbasa din ako ng mga lumang messages - email, friendster messages, text messages.

Nakakatawa na nakakalungkot. Lahat ng bagay na 'to, dinidisregard ko lang dati pero ngayon, ingat na ingat ako.

I promised myself na babawi ako ngayon sa mga kaibigan ko na hindi ko masyadong nakausap sa kasagsagan ng pagiging busy ko sa univ. Hay. Ngayon ko talaga na-realize how hard it is to maintain constant communication. This is the hardest part of being away from home. Sad.

***

Dahil nga busy ako these past few weeks, ngayon ko lang ito maikukwento.

Yes! I'm gonna see you! Haha! YOU! --->

Ikaw ang magiging huling hirit ko sa summer and I know hindi mo kami bibiguin. Haha!

You're definitely bringing SEXY BACK!

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!