Friday, March 9, 2007

Selling Sex in Heaven

Ang daming pumasok sa isip ko habang pinapanood ito.
Gusto kong sisihin ang kultura, gusto kong sisihin ang gobyerno, gusto ko sisihin ang mga taong mapagsamantala na nagbebenta ng batang babae sa mga bar, gusto ko sisihin ang mga sexist at racist na mga lalakeng pumupunta sa mga casa...

Kanina sabi ko kay Austine, hindi ko rin maalis na sisihin ang mga babaeng ibinebenta ang sarili nila dahil sa isip ko, kung gustong humanap ng isang tao ng paraan para mabuhay, makakahanap siya kung magtitiyaga lang siya at hindi kailangang humantong sila sa ganitong propesyon. Nung napanood ko kung ano ang nangyari kay Mila - ibinenta siya ng isang taong pinagkatiwalaan niya sa isang club - naisip ko na may mga pagkakataon talaga na naiipit ang isang tao, ang isang babae, sa isang sitwasyon at wala na siyang magagawang iba kundi ibenta ang sarili niya.

Maraming mali na dapat itama pero wala na atang pumapansin.

Ngayong eleksyon, ang dami na namang pangako ng mga pulitiko, dapat ba kaming umasa ng matutupad ang mga iyon, o habang buhay na lang ba kaming manonood sa kung paano niyo pabagsakin ang isa't isa? Kailan ba papansinin ng mga pulitiko ang mamamayang Pilipino?

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!