Saturday, January 20, 2007

Gising Pinoy

Dahil hindi ko pa gamay ang Wordpress (napa-convert agad ako ni Arianne at Ate Karen. Dapat pala nagpakipot muna ko. Haha!), dito ko muna 'to ipo-post.

Napagusapan namin kanina nila Sybil at Arianne yung pinalabas na documentary sa CBC titled Selling Sex in Heaven. Narrated by Keifer Sutherland, the documentary tells about the story of Mila, a prostitute in the Philippines. Now, I can't really tell you much about it because, sadly, I did not have the chance to watch. Ang maibibigay ko lang ay ang opinyon ko sa isyu.

Sa totoo lang, paulit-ulit na yang pagtalakay na yan tungkol sa prostitusyon sa iba't ibang palabas sa telebisyon PERO hanggang ngayon wala pa ring solusyon dahil hanggang ngayon hindi pa rin tayo nagigising. Hindi pa natin nakikita ang mga dapat nating makita.

Tayo? Bakit tayo? Sasabihin sa akin ng iba, wala sa atin ang ikakabago ng Pilipinas - nasa sistema, nasa gobyerno, nasa mga taong nagpapalakad ng gobyerno. Hindi daw natin responsibilidad ang kumilos at tumulong dahil ang gobyerno ang dapat gumagawa noon. Ang gagawin lang natin ay kalampagin lang sila para gawin ang mga hinihingi natin sa kanila. Mag-rally, magreklamo, magpapirma ng mga petisyon at kung anu-ano pang mga pampagising para malaman daw ng gobyerno na nagbabantay ang mamamayan sa mga ginagawa nila.

Pero mabuti ba talaga yun? Mabuti ba ang magreklamo habang ikaw mismo sa sarili mo, hindi mo ginagawa ang mga dapat mong gawin?

Madalas kong naririnig na nagrereklamo ang mga Pilipino dito sa Canada na kesyo masyado daw ang traffic sa Pilipinas. Kahit sa Pilipinas, madalas na sinasabi yan ng lahat ng tao. Inirereklamo nila ang mga kapwa nila motorista, ang mga pulis, ang mga kalsada at kung anu-ano pa PERO malalaman mo naman kapag tumagal na ang kwentuhan na sila mismo, HINDI SUMUSUNOD SA MGA BATAS TRAPIKO. Nakakainis isipin na mayroong mga taong malakas magreklamo pero sila mismo ay hindi gumagawa ng kanilang mga responsibilidad. Batas trapiko pa lang yan.

Matagal na ang isyu ng prostitusyon pero wala pa ring lunas na naibibigay sa problemang ito. At kahit pagbalibaligtarin at halungkatin pa ang mga dahilan kung bakit nagiging prostitute ang ilan sa ating mga kababayan, mauuwi pa rin ang lahat sa kakulangan kung hindi man kawalan ng edukasyon. Oo, totoo, ang gobyerno ang dapat magbigay ng edukasyon sa mamamayan pero tayo, ano ang papel natin sa problemang ito? Dahil ba hindi tayo apektado sa problemang ito, magsasawalang kibo na tayo? Mali yata na wala tayong gawin. Mali na manood lang tayo habang naghihirap ang mga kababayan natin.

Hindi ko sinasabi na mag ala-Wowowee tayo sa pamimigay ng pera sa mga kababayan natin dahil HINDI ito ang sagot sa paghihirap nila. Hindi madaliang pera o madaliang pagkita ng pera ang solusyon sa problema. Edukasyon ang dapat ibigay.

Kung ang mga may kayang pamilya ay makapagpaaral man lang ng kahit isang bata, malaki ang maitutulong nito. Isang tao ang magkakaroon ng pagkakataon na mamili kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya at marami siyang pagpipilian dahil nakatapos siya. Alam nating lahat kung gaano ka-importante ang diploma sa Pilipinas o sa kahit saang parte ng mundo. Ang pagtatapos ng pag-aaral ay nakakapagbukas ng pinto sa lahat ng tao para malaman niya kung ano ang pwedeng gawin niya sa kanyang buhay. This way, they will have more choices, more options. They will not be imprisoned with the limited choices they have if they haven't studied at all.

Walang babae o lalakeng gustong ibenta ang katawan nila para mabuhay. Ang pagiging prostitute ang kinauuwian ng ilan nating kababayan hindi dahil ginusto nila ito kundi dahil wala na silang nakikitang ibang paraan upang kumita ng pera. Kailangan nila ng pagkakataon at kakayahang mamili kung ano ang gusto nila sa buhay nila at magiging madali ito kung sila ay may sapat na edukasyon.

I believe that everything should start in the individual. Kung kaya nating magbigay ng pagbabago, bakit hindi natin gawin? KUNG MAY KAKAYAHAN KANG GUMAWA NG MABUTI SA KAPWA MO, BAKIT HINDI MO GAWIN?

Nakakapanghinayang na hindi nakikita ang galing ng Pilipino at ganda ng Pilipinas dahil sa mga problemang ganito. Madalas ay napapansin ang mga pagkukulang natin kaysa sa mga kaya nating gawin.

Gusto ko din sabihin na hindi natin dapat ikahiya ang problemang ito ng Pilipinas. Isa itong hamon upang ipakita natin na kaya nating solusyunan ang problemang ito ng bansa.

HAMON ITO SA IYO KUNG ANO ANG GAGAWIN MO PARA MAKATULONG

o

KUNG UUPO KA NA LANG DYAN AT MANONOOD.


***

Ikaw na marunong magbasa at gumamit ng internet, ikaw na nakakapag-aral, pinapahalagahan mo ba ang edukasyon mo?

Hindi masamang minsan ay tamarin o kaya ay magpa-easy-easy. Tao ka lang din naman. Pero tanungin mo ang sarili mo sa huli kung nagawa mo ba ang dapat mong gawin.


May natutunan ka ba?

2 comments:

  1. GALINGgraveh,,,npanood kew yung "selling sex..." nklimutan kew na...pro di kew pnanood lhat...gnda ng blog mo...graveh...ang gleng..woohoo

    ReplyDelete
  2. c naldine pla 2...pti yung isang comment ..yung una bgo i2...aken din yun...=)

    ReplyDelete

Tell me what you think!