Tuesday, January 9, 2007

Ang mga magagaling

Napanood ko kanina sa Bandila ang prusisyon ng Nazareno. Katulad ng dati, marami pa ring tao. Nakakatuwa kasi nakikita pa rin kung gaano karelihiyoso ang mga Pilipino. Kahit sabihin pa natin na hindi lahat ng pumunta doon ay nandun dahil sa tamang dahilan, yung dami ng tao na nandun ay tama ng ebidensya para sabihing hindi pa rin namamatay ang pananampalataya.

Nakakainis lang merong mga taong nagsasamantala sa okasyon.

Oops, mali. Hindi mga mandurukot ang mga tinutukoy ko.

Mas matindi pa sa kanila!

Sirit na?

Sila yung mga mahilig magpapansin at umeksena.

Sila yung mga pulitikong lahat ng pagkakataon ay susulitin para makapag-kampanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang umepal sa isang dapat sana ay sagradong tradisyon. Mamigay daw ba ng mga t-shirt at kung anu-ano pang gamit na may mga naglalakihan nilang pangalan at mukha. Nakakainit ng ulo. Gawin daw bang campaign day ang Piyesta ng Nazareno. Ang gagaling talaga.

Wag sana kayo manalo.

***

Pupurihin ko na rin dito si Ms. Pinky Webb na talaga namang nakipagsiksikan para mai-dokumento ang Piyesta ng Nazareno. Ang tapang nya. Kahit sabihin pa na syempre pagbibigyan sya ng mga tao kasi taga-media sya, saludo pa rin ako sa kanya.

Kung ako lang, baka di ko kayanin yun at himatayin na lang ako sa isang sulok at matapak-tapakan. Hahaha!

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!